Aired (May 7, 2022): Mahirap para kina Vilma at Jenny na magsimula muli matapos ang sinapit na kalbaryo sa kamay ng kanilang padre de pamilya na mapang-abuso. Kaya naman tinulungan ng programang 'Wish Ko Lang' ang mag-ina sa kanilang pangangailangan upang makabangon muli at tuluyan nang makalimutan ang hirap na naranasan.